088 - Si Jesus ang Aking Bantay

Si Jesus ang aking bantay Na di napapagal,
Ako'y Kanyang minamahal, Itinatangkal;
Sa laot ng dusa't lumbay Matiyagang inaakay,
Daramayan, hindi ako iiwan.

Si Jesus ang aking buhay, Aking kalakasan,
Binibigyang kasiglahan Ang lupang katawan;
Kung ako'y nanlulupaypay;
Nanghihina, nangangalay.

Si Jesus ang kaibigan, Pastor, aliw, ilaw,
Kung S'ya'y wala, kasawian Ang kasasapitan;
Kung ako ay namamanglaw, Nahahapis at luhaan,
Aaliwin, hindi ako iiwan.

Si Jesus ang aking tanglaw Sa lahat kong araw,
Ang daan kong nilalakbay Nililiwanagan;
Ang dilim ng kamatayan Hinahawi, pinaparam,
Iilawan, hindi ako iiwan.

0:00 0:00